DA nag-inspeksyon sa mga palengke sa MM

DA nag-inspeksyon sa mga palengke sa MM

December 1, 2020 @ 7:23 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Department of Agriculture sa Guadalupe Market sa Makati City upang tingnan kung nasusunod ang suggested retail prices (SRP) sa mga piling produktong pang-agrikultura.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista nasusunod naman ang SRP sa itlog, karne ng baboy, manok, at isda ngunit umaaray ang mga nagtitinda sa maliit na kita dahil sa pagtaas ng presyo ng mga trader.

Nananatili rin ang presyo ng bigas ngunit nagmahal ang mga pampalasa at mga gulay na mas mahal pa sa mga karne.

Pumalo sa P600 kada kilo ng siling labuyo at siling pansigang.

Wala pang SRP para sa siling labuyo at siling pansigang.

“‘Yung sa labuyo, ‘yon titingnan ko ‘yung supplier kasi may effect yung supply talaga. Every year pag December, mababa ang supply kaya mataas yung presyo,” saad ni Evangelista.

“Kung ‘yung supply talagang sobrang baba, mahirap tayong magbigay ng SRP. Ang ending niyan, hindi na lang sila magbebenta so mawawalan tayo ng supply. Pero pag hindi na kaya ng consumers, we have to put SRPs,” giit nito. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...