DA nagbabala sa publiko kontra pagbili ng sibuyas online

DA nagbabala sa publiko kontra pagbili ng sibuyas online

December 5, 2022 @ 8:52 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinag-iingat ng  Department of Agriculture (DA) ang publiko sa pagbili ng sibuyas mula sa online platforms dahil maaari aniya itong “illegally imported” na nakapasok  sa bansa.

Ayon sa DA,  ang white onions o puting sibuyas  na natuklasan sa online ang “most probably smuggled” sa bansa, dahil na rin sa hindi pa nakapagpapalabas ang departamento ng import permits para tugunan ang kasalukuyang kakapusan sa sibuyas.

“Lahat ng pumasok na ‘yan ay mukhang illegal,” ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez.

Makikita sa online posts  na ang  white onions  ay mabibili sa  halagang  P1,650 para sa  nine-kilogram sack o P180 per kilogram.

Hindi naman malinaw kung saan nanggaling ang white onion.

Ang babala pa rin ng DA, ang anumang smuggled products na nakapasok sa bansa ay hindi pa nasusuri at maaaring hindi akma para sa human consumption.

Sinabi pa ng DA na titingnan nila ang anumang nasabat na shipments ng white onions at rebisahin ang mga ito kung nabenta sa mga tindahan ng Kadiwa o“Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita.”

Samantala, sa  pinakabagong  monitoring ng departamento, natuklasan na ang presyo ng local red onions sa Kalakhang Maynila ay  pumapalo sa P280.00 per kilogram “as of last Friday”, Disyembre  2, 2022.

Pahiwatig din aniya ito na walang available na suplay ng  imported red onion, at ang kapwa local a imported varieties ng white onion. Kris Jose