DA nagpaalala sa hog racers, traders vs ASF

DA nagpaalala sa hog racers, traders vs ASF

November 21, 2020 @ 4:30 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa mga nag-aalaga ng baboy na agad ipagbigay alam sa City Veterinarian kapag ito ay nagkasakit o namatay upang masugpo agad ang pagkalat ng African Swine Flu (ASF).

Ayon kay Asec. Noel Reyes, sa ginanap na media forum ng National Press Club (NPC) ang veterinarian naman ang siyang magre-report sa DA o sa Bureau of Animal Industry para alamin kung ano talaga ang dahilan kung bakit namatay ang alagang baboy.

Kapag ASF aniya ang ikinamatay ng baboy ay dapat itong patayin at ilibing ng may tamang procedure.

Sa traders naman umano na nagsasamantala na kahit alam nang may tama na ang baboy ay binibili pa rin at binabarat sa murang halaga kaya lalong kumakalat ang ASF.

Kailangan din aniyang magbantay ang local government unit o LGUs sa kanilang barangay upang ma-contain ang virus at hindi na kumalat pa.

Paliwanag ni Asec. Reyes, hindi namamatay ang virus ng ASF kahit sa init o extreme heat bukod pa sa wala pang vaccine laban sa ASF.

Madalas din aniyang nakalulusot ang ASF sa mga delata o kaya ay mga processed meat product.

Ayon pa sa opisyal, babayaran ng DA ng halagang P5000 ang bawat ulo ng baboy na namamatay dahil sa ASF.

Nabatid na napasok ng ASF ang Pilipinas dahil sa kontaminadong karne, luncheon meat, ham mula sa bansang China. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...