DA, PATATAKBUHIN NI BBM PARA SA FOOD SECURITY

DA, PATATAKBUHIN NI BBM PARA SA FOOD SECURITY

June 23, 2022 @ 8:33 PM 1 week ago


Alam ba ninyo, para masiguro na mapatatakbo nang episyente Department of Agriculture (DA), si President-elect Ferdinand Romualdez Marcos na ang hahawak dito.

Ito’y para masiguro na rin matutugunan ang kakulangan ng pagkain o ang food security ng bansa hanggang sa maging handa ang Pilipinas sa mga susunod pang mga taon.

Ang hakbang na ito ay ginawa ni Marcos para mapigilan ang posibleng epektong pagkakaroon ng food crisis dahil sa mga nangyayari sa labas ng bansa na pinalala ng patuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sinabi pa ni Marcos na dahil sa mga nangyayari, naaapek­tuhan pati ang food supply at pangangailangan pang-agrikultura tulad ng fertilizers, animal feeds at iba pa, na maaaring magresulta ng shortage at pagtaas ng presyo ng pagkain.

Iginiit pa ni Marcos na kailangan na mapag-aralan nating mabuti ang mga plano at hakbang upang maayos na  ma-tu­gunan ng gobyerno ang pangangailangan ng bansa pagdating sa mga panahon ng kagipitan.

Inatasan na rin aniya ang DTI, NEDA, DOF at DBM na maghanda at alamin o pag-aralan ang mga maaaring harapin ng bansa ngayong taon.

Ipinaliwanag pa ni Marcos na bukod sa pagbibigay-pra­yoridad sa agrikultura, pabibilisin din, aniya, ng kanyang admi-nistrasyon ang pag-unlad ng sektor na lubos na kailangan para malutas ang kakulangan sa pagkain.

Babalik tayo sa basics, at muling itatayo ang kahalagahan ng agrikultura kaya aakuin ko muna ang kagawaran ng agrikultura.

Matatandaang isa sa pangako niya noong kampanya ay ang pagpapaunlad ng agrikultura sa bansa lalo na’t pinakita ng Covid-19 pandemic ang problema ng bansa pagdating sa sup­lay ng pagkain.