DA: Presyo ng gulay, tumaas ng P10-P20 sa pinsala ni ‘Karding’ sa mga sakahan

DA: Presyo ng gulay, tumaas ng P10-P20 sa pinsala ni ‘Karding’ sa mga sakahan

October 1, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tumaas ang retail prices ng iba’t ibang gulay sa gitna ng pananalasa sa sakahan  ni bagyong Karding.

Sinabi ni Department of Agriculture (DA)  Undersecretary Kristine Evangelista na naobserbahan ang mataas na  presyo ng ilang gulay  sa mga pamilihan sa Kalakhang Maynila.

“Dito sa NCR (National Capital Region), nasa P10 hanggang P20 ang paggalaw sa presyo,” ayon kay Evangelista.

Batay sa  price monitoring ng DA,  “as of September 29,” ang presyo ng Baguio beans ay tumaas ng P120 kada  kilo mula P100  kada kilo sa mga nagdaang araw, ang presyo ng  carrot ay tumaas  ng P150 kada kilo mula  P140 kada  kilo, habang ang talong ay tumaas ng  P100  kada  kilo mula P85 kada kilo.

“High-value crops — fruits, vegetables, legumes, and spices — is the second most damaged crop group following Karding’s onslaught, with total value loss of P754.8 million and volume of crops destroyed at 18,536 MT across 2,964 hectares of farm lands,” ayon sa ulat.

Ang kabuuang pinsala sa farm sector ay  P2.95 bilyon “as of Friday morning.”

Gayunman, sinabi ni Evangelista na tinitingnan ng DA ang posibilidad na pagkakakitaan o kung may mga taong nagti-take advantage ng ng pamiminsala para tumaas ng presyo ng gulay.

“Masyadong malaki ang tinaas eh,”  ayon kay Evangelista.

“We need the help of the LGUs para ma-control ang presyo… Palalakasin din natin ang Kadiwa para may alternative ang mga consumer,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban  na “consumers should brace for higher rice and vegetable prices, which may increase by 15% to 20%, as crops lands were flattened by Karding.” Kris Jose