DA: Price manipulation, smuggling ‘mitsa’ ng mataas na presyo ng pulang sibuyas

DA: Price manipulation, smuggling ‘mitsa’ ng mataas na presyo ng pulang sibuyas

December 29, 2022 @ 4:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes na gumugulong ang imbestigasyon hinggil sa dahilan ng pagpalo ng presyo ng pulang sibuyas sa ₱720 kada kilo.

“There are two areas, one is agricultural smuggling and the other is price manipulation,” pahayag ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista. “Lahat po ng anggulo’y tinitingnan natin in the same manner that we are also looking at all other options to be able to provide agricultural commodities at affordable prices.”

Nitong Miyerkules, sinabi ng DA na inirerekomenda nito ang pagtaas ng suggested retail price ng pulang sibuyas sa ₱250 kada kilo simula Dec. 30 sa pagsirit ng market price nito sa mahigit ₱700 kada kilo sa ilang pamilihan.

Nauna nang sinabi ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban na hinala ng departmento, nagho-hoard ang sindikato ng pulang sibuyas na dahilan ng pagtaas ng presyo nito.

Kamakailan ay nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang puslit na pulang sibuyas na tinatayang nagkakahalaga ng ₱20 million sa port sa Misamis Oriental, maging ₱30 million-halaga ng puslit na yellow onions.

Iginiit ni Evangelista na kailangan ng kooperasyon sa retailers upang makapagtalaga ng trail at mahuli ang traders na nagbebenta ng pulang sibuyas sa labis na halaga,

Sa isyu ng smuggling, nakakatanggap umano si DA Assistant Secretary James Layug ng leads “because that also helped the BOC fix a problem that has been there for the longest time.”

“We will continue to do this because agricultural smuggling definitely affects our producers,” dagdag ni Evangelista.

Tinututukan din ng DA ang pagtulong para madagdagan ang kita ng onion industry stakeholders sa pamamagitan ng ilang interbensyon.

Sinisilip din ng departamento ang floor at ceiling prices para sa farmgate prices upang hindi malugi ang mga magsasaka, base kay Evangelista. RNT/SA