DA sa DOJ: Imbestigasyon sa kaso ng agri product smugglers bilisan

DA sa DOJ: Imbestigasyon sa kaso ng agri product smugglers bilisan

April 25, 2022 @ 1:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hinihikayat ng Department of Agriculture (DA) ang Department of Justice (DOJ) na pabilisin ang imbestigasyon sa pagpupuslit ng agricultural products, sa pagpigil nito sa iligal na pagpasok ng mga illegal commodity sa Pilipinas.

Ayon kay Agriculture Undersecretary Fermin Adriano, nais ng DA na paspasan ang pag-proseso sa mga kaso ng umano’y smugglers at masampolan ang mga ito sakaling mapatunayang nagkasala.

“Kami po ay gusto namin na maging mabilis sana yung proseso para mabigyan natin ng example at madiscourage natin ‘to, kasi talagang malaki ang nawawala sa kaban ng bayan at mas matindi ‘yung impact dun sa ating mga magsasaka,” aniya sa Laging Handa virtual briefing.

Ito ay kasunod ng imbestigasyon ng Kamara sa pagpuslit ng agricultural products sa bansa kung saan sangkot umano sa iligal na transakyon ang ilang high-profile personalities.

“Kinakailangan talagang pagibayuhin ng DOJ ang pag-prosecute nito at sana bilisan nila. We are trying to lobby, to advocate to the DOJ to make the process much faster,” giit ni Adriano. RNT/SA