DA sa UN: Paggalaw ng agri products siguruhing walang aberya

DA sa UN: Paggalaw ng agri products siguruhing walang aberya

June 8, 2022 @ 7:28 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang Food and Agriculture Organization (UN-FAO) ng United Nation (UN) na itulak na mapanatili ang worldwide market trades para sa mga agricultural products.

Kasunod ito ng nauna nang babala hinggil sa “looming global food crisis” at maging sa nagpapatuloy na global inflation.

Sa isang kalatas, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na kailangang pangunahan ng UN-FAO ang global call para mapanatili ang “unhampered movement of food and agricultural inputs.”

Ginawa ni Dar ang apela sa gitna ng nagpapatuloy na girian sa pagitan ng Ukraine at Russia, dahilan ng paghina at pagbaba ng trigo (wheat) at iba pang agricultural supplies.

Aniya, minonitor na nila ang ilang bansa na itinigil ang page-exports ng kanilang “food and production inputs” hanggang sa mahigpit na limitasyon.

Kabilang na aniya rito ang Argentina, Algeria, Egypt, India, Indonesia, Iran, Kosovo, Kazakhstan, Turkey, Ukraine, Russia, at Turkey.

“The first reason is these countries are protecting their population, their [people] first before the global market,”ayon kay Dar.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng Philippine Statistics Authority na “May’s inflation has increased to 5.4 percent, higher than April’s 4.9 percent, and May’s 4.1 percent last 2021.”

Sinabi naman ni Dar na ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay hindi lamang nangyayari sa Pilipinas kundi sa buong mundo partikular na sa presyo ng bigas, mais, soybean, asukal at trigo. Kris Jose