Manila, Philippines – Daan-daang pasahero na ang stranded sa mga pantalan simula pa kaninang madaling araw.
Sa huling update ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala na ng halos 400 pasahero at nasa 10 mga sasakyang pandagat na ang hindi pinayagang maglayag dahil sa malalaking alon bunsod ng bagyong Henry.
Kabilang sa mga pantalan na may naitalang mga pasaherong stranded ang Coron pier, Brooke’s Point- Rio Tuba Port, El Nido- El Nido Pier, Cagayan- Toran Wharf. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)