Daan-daang mga residente, inanod ng tubig sa dam

Daan-daang mga residente, inanod ng tubig sa dam

July 24, 2018 @ 6:32 PM 5 years ago


Laos – Daan-daan ang pinaghahanap pa matapos na magkaroon ng flashflood sanhin ng pagkasira ng hydropower dam sa Laos.

Aabot sa 6,600 ang nawalan ng bahay matapos anurin ng malakas na agos ng tubig mula sa nag-collapse na Xepian-Xe Nam Noy hyrdropower dam sa probinsiya ng Attapeu.

Dahil dito, hindi na itinuloy ni Prime Minister Thongloun Sisoulith ang mga pagpupulong ng mga ahensiya ng gobyerno at agad pumunta sa Sanamxay district kasama ang ilang mga opisyal para alamin ang lagay ng mga residente.

Humingi na ng tulong ang mga local officials para sa relief goods at financial aid.

Ambisyon ng Laos na maging ‘battery of Asia’ kaya marami itong inilunsad na dam.

Plano ng bansa na magkaroon ng 54 na dam sa taong 2020. (Remate News Team)

 

Photo Courtesy: Laos News updates