Daan-daang sisisw, bigla nalang lumitaw sa kawalan

Daan-daang sisisw, bigla nalang lumitaw sa kawalan

June 21, 2018 @ 10:00 AM 4 years ago


Nagtrending sa social media ang isang video na nagpapakita ng napakaraming sisiw sa bakanteng lote na kala mo ay nahulog sila mula sa langit dahil sa sobrang dami.

ნაგავსაყრელზე გამოჩეკილი წიწილები მარნეულში

მარნეულში ნაგავსაყრელზე გადაყრილი კვერცხებიდან წიწილები გამოიჩეკა. ვიდეოს facebook-ში საჰიბ ბაირამოვი ავრცელებს და წერს: "მარნეულში, პირუტყვის ბაზართან დიდი რაოდენობით ქათმის კვერცხი გადაყარეს. რამდენიმე დღის შემდეგ დანახულით ადამიანები შოკში ჩავარდნენ. რის გამო იყო გადაყრილი კვერცხები არ იციან."

Posted by ტაბულა • Tabula on Sunday, June 10, 2018

Ito ay naganap sa isang maliit na bayan ng Marneuli sa Georgia kung saan napabalita na ang mga sisiw na ito ay galing sa mga bugok na itlog na itinapon mula sa local poultry farm. Ang itinuturong dahilan ng pag-hatch ng mga sisiw ay ang sobrang init ng panahon.

Dahil sa sobrang cute ng mga maliliit na sisiw na takbo ng takbo kung saan saan na tila hinahanap ang kanilang ina, nagviral ito sa social media bago pa man malaman ng national at international media.

Ang pangyayaring ito ay nilinaw naman ng Mayor ng Marneuli, ayon kay Mayor Timur Abazov, “They [the poultry farm] believed the eggs were spoiled,” dagdag pa niya, “They were thrown away at the dump. But there are rocks – and the sun heated the eggs. The conditions were the same as if hens had hatched them.”

Ibig sabihin, ang itinapon na mga itlog ng farm at ang init na mula sa araw ang dahilan ng pangyayaring ito. Ito ay isa sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari na makikita natin sa araw-araw, pero ang tanong, saan na mapupunta ang mga sisiw? Ano ng manyayari sa kanila?

“So many were hatched. Most chicks have been saved for now – although they may be eaten soon,” sabi ni mayor Abazov. “Many local people took the chicks home.” (Remate News Team)