Daanan ng tao sa EDSA busway paluluwagin

Daanan ng tao sa EDSA busway paluluwagin

October 5, 2022 @ 5:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gawing mas malapad ang lakaran ng mga pasahero ng EDSA Busway.

Ito ang sinabi ni MMDA spokesperson Mel Carunungan nitong Miyerkules, Oktubre 5 sa public briefing.

“Yun po ‘yung gusto ng aming chairman na sana mapalawak po ‘yung walkway kasi gusto po niya na from both ways po puwedeng maglakad ‘yung mga tao and hindi sila masyadong siksik po doon,” ani Carunungan.

“Baka ilalawak po ‘yung walkway at ile-lessen ang mga base para sa mga bus po,” dagdag pa niya.

Nais din na bigyan prayoridad ng MMDA ang mga mananakay sa kanilang mga gagawing proyekto tulad ng walkways at footbridge maging ang palikuran sa mga istasyon ng bus.

Matatandaan na nitong Setyembre ay sinabi ni Department of Transportation Undersecretary Mark Steven Pastor na inutusan siya ni DOTR Secretary Jaime Bautista na pag-aralan ang posibilidad ng privatization sa EDSA Busway. RNT/JGC