Daang pamilya, nasunugan sa Maynila

Daang pamilya, nasunugan sa Maynila

June 18, 2018 @ 1:49 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Nasa 100 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos matupok ng apoy kagabi sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) – Manila , mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan sa Geronimo Street sakop ng Barangay 432 sa nasabing lugar dahil gawa lamang ito sa light materials.

Nahirapan ding makapasok ang mga bumbero dahil sa kaliwa’t kanang mga nakaparadang sasakyan bukod pa sa malakas na hangin kaya mabilis ang paglaki ng apoy.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog at idineklarang kontrolado makalipas ang tatlong oras.

Pansamatala namang sumilong sa Moises Salvador Elementary School ang mga nasunogan.

Inaalam pa ng arson ang sanhi ng sunog na sinasabing naiwang sinaing sa ikalawang palapag ng isang bahay nagmula ang apoy. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)