Daddy Blake, ilalaglag ni Marc Cubales sa pelikula!

Daddy Blake, ilalaglag ni Marc Cubales sa pelikula!

January 31, 2022 @ 12:17 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Tuloy na ang pelikulang ipo-produce ni Marc Cubales. Ito’y may tentative title na Finding Daddy Blake na pamamahalaan ni Direk Jay Altarejos.

Petmalu at controversial ang tema nito, hinggil sa video na nag-trending at nag-viral online na may makikitang sexual acts. Pinagma-masturbate rito ang mga boylet habang pinapanood niya (Daddy Blake) dahil babayaran daw niya ang mga ito.

May mga nabiktima raw itong mga model at aktor na matapos pumayag sa ipinagagawa sa kanila ay hindi naman pala totoo na babayaran niya.

Ayon kay Marc, ito talaga ang tipo ng pelikulang gusto niyang iprodyus.

Aniya, “Gusto ko ‘yung not just a normal BL story, gusto ko iyong may twist, may scandalous or whatever.

“Tama na iyong kissing-kissing, iyong love story… nagka-in love-an, ganyan. Dapat i-level-up natin, BL story pero dapat ay iba ang dating. Iyong tipong magugulat ang mga tao na bakit ganyan, bakit ganoon?”

Pagpapatuloy pa ni Marc, “Then I met Direk Jay. Pagkaupong-pagkaupo ang sabi niya, ‘Heto nga may isa pa akong film’. ‘I fell in love with the story. I like it’, sabi ko.

“When the movie industry is quiet, gumawa na rin tayo ng movie, para at least kahit paano, to support it. At the same time ipakita natin na susubok tayo, gagawa tayo ng challenging film.”

Ipinahayag pa ni Marc na game siyang sumabak sa daring role sa pelikulang ito at magpasilip ng katawan.

“Puwede rin naman, pero I told Direk na mas gusto ko na ‘yung role ko ay nasa likod na lang ng camera. Siguro I will do a beat role or maybe best friend ng bida, mas nag-eenjoy ako na at least, alam mo iyon? Na tapos na ako sa bida-bida, na roon na ako sa likod ng camera na kasama na ako sa gumawa ng pelikula.”

Ayaw ba niyang maging si Daddy Blake sa pelikulang ito? “Puwede rin, hindi ba? Why not?

“Pero alam mo, sabi ko, na dapat ay may character pa rin ako. Kasi the chance to work with direk, hindi ba? Na naging artista pa rin ako ni Direk and not just the producer. Pero I’m not aiming for tha main character or anything, tama na sa akin iyong ako nag-produce ng film with direk,” saad pa ng tisoy na actor, model, entrepreneur, at philanthropist. Nonie Nicasio