Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo aarangkada sa Martes

Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo aarangkada sa Martes

August 1, 2022 @ 1:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Magpapatupad ng dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas.

Batay sa inilabas na abiso ng mga kompanya ng langis na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum magpapatupad ng dagdag presyo na P0.75 sa kada litro ng gasolina habang bawas presyo naman na P0.60 sa kada litro ng diesel at P0.75 sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

Magpapatupad din ng dagdag-bawas sa presyo sa mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na naging epektibo alas-12:01 ng madaling araw habang ang kompanyang Cleanfuel ay magiging epektibo alas-8:01 ng umaga.

Ang ipatutupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng bawas presyo na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P1.85 sa kada litro ng diesel at P1.30 naman sa kada litro ng kerosene. JAY Reyes