Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo asahan sa Aug 11

Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo asahan sa Aug 11

August 10, 2020 @ 11:31 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Magpapatupad ng dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, at Seaoil ang dagdag presyo na P0.25 sa kada litro ng gasolina habang bawas presyo naman ng P0.20 sa kada litro ng diesel at P0.35 sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 ng umaga bukas.

Inaasahan naman na susunod na maglabas ng abiso ng dagdag-bawas sa mga produktong petrolyo ang iba pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa kahalintulad na halaga.

Ang isinagawang dagdag-bawas sa mga presyo ng produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.   JAY Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...