Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo, asahan!

Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo, asahan!

December 23, 2022 @ 3:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Asahan na ng mga motorista sa susunod na linggo ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito ang ibinahagi ng local oil industry sources ngayong Biyernes, Disyembre 23 batay sa oil trading sa nakalipas na apat na araw.

Batay sa datos, maaaring magkaroon ng tapyas sa presyo sa kada litro ng diesel ng P0.30 hanggang P0.50.

Samantala, posible naman ang dagdag sa presyo sa kada litro ng gasolina ng P0.10 hanggang P0.30.

“Itong gasoline and kerosene posibleng may increase hindi lalagpas ng P1,” pagbabahagi ni Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad sa panayam ng DZBB.

“Ang diesel, posibleng may decrease na hindi lalagpas ng P1,” dagdag pa niya.

Karaniwang inaanunsyo ng mga kompanya ng langis ang price adjustment tuwing Lunes at ipinatutupad sa kasunod na araw.

Nitong Disyembre 20 lamang ay nagtaas ng P0.70 sa presyo sa kada litro ng gasolina, P2.90 sa kada litro ng diesel at P1.65 sa kada litro ng kerosene. RNT/JGC