Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo asahan sa sunod na linggo

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo asahan sa sunod na linggo

March 11, 2023 @ 4:10 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Magpapatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa ng dagdag-bawas na oil price adjustment sa susunod na linggo.

Sa isang advisory, sinabi ng UniOil na posibleng sumipa ang presyo ng gasolina sa ₱0.80 hanggang ₱1.00 kada litro, habang ang mga presyo ng diesel ay maaaring walang pagbabago o posibleng magkaroon ng rollback ng ₱0.10 kada litro.

Wala namang binanggit na detalye ukol sa kerosene.

Noong Marso 7, nakita ang mga pagtaas ng presyo sa kabuuan: ang kada litro ng presyo ng gasolina ay tumaas ng ₱0.40, diesel ng ₱1.50, at kerosene ng ₱1.25.

Sa ngayon, sinabi ng Department of Energy na ang net price adjustments ay tumaas ng ₱5.70 kada litro para sa gasolina, pagbaba ng ₱0.90 kada litro para sa diesel, at pagbaba ng ₱1.05 kada litro para sa kerosene. RNT