Dagdag-benepisyo sa health workers, isisingit sa Bayanihan 2 – Sotto

Dagdag-benepisyo sa health workers, isisingit sa Bayanihan 2 – Sotto

August 3, 2020 @ 5:57 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III kasama ang karagdagang beipisyo ng mga health worker at frontliner kontra COVID-19 sa binubuong Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

“The issues of risk allowance, life insurance, free accommodations, free transportation, free and frequent COVID-19 testings, and the P10,000 or P15,000 [sickness benefit] for every health worker… I assure you we will incorporate it in the Bayanihan 2,” ayon kay Sotto.

Una nang inaprubahan ng Senado ang ikatlo at pinal na pagbasa sa ikalawang Bayanihan bill kung saan naglalaman ito ng P140-billion economic stimulus spending kung saan nasa Kamara na ito.

Sa pulong kagabi, pumayag si Pangulong Rodrigo Duterte ang P10,000 hanggang P15,000 sickness benefit sa mga health workers na positibo sa COVID-19.

Sinabi ng pangulo na gusto nitong isama sa Bayanihan 2 ang karagdagang benipisyo sa mga health workers.

 “So we are ready to consider itong—well, if you want to term it stipend or allowances or pay—give us time, we will make the report. Sana masali ito sa the second Bayanihan [Law]… Kung masali ito ibibigay ko ito sa inyo ora mismo,” ani Duterte.

Sinabi naman ni Sotto na kaya na ng Malakanyang na madagdagan pa ang propose budget ng nasabing panukalang batas kaugnay ng hirit ng pangulo para sa mga health workers. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...