Dagdag-benepisyo sa opisyal, tauhan ng PDEA umarangkada sa Kamara

Dagdag-benepisyo sa opisyal, tauhan ng PDEA umarangkada sa Kamara

March 3, 2023 @ 3:23 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pag-apruba ng House Committee on Dangerous Drugs sa panukalang humihimok ng dagdag na benepisyo sa mga tauhan at opisyal nito.

Sa pahayag nitong Biyernes, Marso 3, sinabi ng PDEA na matutugunan nito ang hinaing ng mga empleyado nila kaugnay sa benepisyo at kompensasyon, na iba sa tinatanggap ng kanilang police at military counterparts.

“The bill aims to ensure that PDEA Drug Enforcement Officers (DEOs) and personnel are provided with sufficient compensation and accorded avenues for professional growth,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukala, pag-iigihan pa nito ang well-being at economic welfare ng mga tauhan ng PDEA sa pamamagitan ng pagbibigay ng katanggap-tanggap na living at working conditions, better terms of employment, at career opportunities upang epektibo rin nilang maisagawa ang kanilang mandato.

Sa pagdinig noong Pebrero 21, sinabi ni committee chairman Surigao del Norte Representative Robert “Ace” Barbers, na inaaprubahan niya ang House Bill 91, na sasailalim pa sa pag-amyenda, na isasama sa Magna Carta of benefits para sa PDEA officers at personnel.

Sa ilalim ng panukala, ang PDEA officers at mga tauhan nito ay makakatanggap ng sumusunod na allowance/benefits maliban pa sa basic salary nila na sakop ng Salary Standardization Law:

-Hazard Duty Pay — PDEA personnel exposed to occupational hazards or elements, or hazardous jobs involving high risk of losing life, limbs, or likely deterioration, shall be entitled to hazard duty pay;

-Subsistence Allowance — DEOs shall be entitled to subsistence allowance at a rate under specific laws, rules and regulations, while administrative and technical personnel shall be entitled to a subsistence allowance of one meal to be computed in accordance with prevailing circumstances; and

-Annual Medical and Dental Examinations — Annual free medical and dental examinations shall be provided to every employee in accordance with the “Universal Health Law”.

Magbibigay din ang PDEA ng well-rationalized career development program sa mga tauhan nito para sa mas mataas na antas ng propesyonalismo, kakayanan, transparency at respeto sa dignidad at integridad.

Plano ring isagawa ang merit at promotion plan sa mga empleyado ng patas at may pantay na career advancement opportunities para sa kanila. RNT/JGC