Dagdag-buwis sa alak, sigarilyo kasado na

Dagdag-buwis sa alak, sigarilyo kasado na

January 2, 2022 @ 10:00 AM 8 months ago


MANILA, Philippines- Simula Enero 1 ay mas malaki ang kokolektahing buwis ng pamahalaan para sa alkohol at tobacco.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11467, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Enero 2021, aabot ang excise taxes sa sigarilyo sa P55 kada pakete ngayong taon, kumpara sa P50 kada pakete noong nakaraang 2021.

Magtataas din ang buwis sa heated tobacco products sa P30 ngayong taon mula sa P27.50 noong 2021, at P47 kada milliliter “or a fraction thereof for salt nicotine products”, mula sa P42 kada ml noong 2021.

Para naman sa alcohol products, ang buwis para sa distilled spirits ay nasa P52 kada proof liter na ngayon at P39 kada litro para sa beer products. 

Para sa wine products, ipapatupad ang P50 excise tax kada litro simula ngayong taon at magtataas ng 6 porsyento pa kada taon simula 2021.

Inaamyendahan ng RA No. 11467 ang National Internal Revenue Code of 1997 upang magpatupad ng mas mataas na buwis sa alcohol products, at e-cigarettes. 

Ginagamit ang naturang dagdag-buwis upang pondohan ang Universal Health Care. RNT/SA