Dagdag-dibisyon sa CA, NLRC, para bilis-resolba sa kaso inihirit sa Senado

Dagdag-dibisyon sa CA, NLRC, para bilis-resolba sa kaso inihirit sa Senado

September 20, 2022 @ 1:08 PM 5 days ago


Ipinanukala ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang paglilikha ng karagdagang dibisyon sa Court of Appeals (CA) at National Labor Relations Commission (NLRC) upang mabawasan ang kasong kinahawakan nito.

Sa pahayag, sinabi ni Go na layunin ng Senate Bill Nos. 1186 at 1187 na amyendahan ang Batas Pambansa Bilang 129 o ang Judiciary Reorganization Act.

“Let us help strengthen the judiciary in fulfilling its role and functions. Kailangang agarang naaaksyunan at nabibigyang pansin ang lahat ng mga kaso nang walang pili at walang pinapanigan kundi ang katotohanan at kung ano ang makatarungan.” ayon kay Go.

Inaatasan din ng panukala ang CA na magsagawa ng tuloy-tuloy na paglilitis at pagdinig na dapat matapos sa loob ng tatlong buwan maliban na lamang kung palalawigin ng Chief Justice ng Supreme Court.

Sa ginanap na budget hearing ng Judiciary na isinagawa ng Committee on Finance nitong Lunes sa pamumuno ni Senador Sonny Angara, humingi ng CA ng karagdagang P500 mmilyon sa inaprubahang P2.10 bilyong pondo para sa 2023.

Ayon kay acting Presiding Justice Remedios Salazar-Fernando na gagamitin ang pondo sa pagtatayo ng bagong tanggapan ng CA sa Cagayan de Oro City na winasak ng nakaraang lindol, tatlong taon na ang nakakaraan.

Tumama ang magnitude 6.6 lindol malapit sa Cotabato nong Oktubre 29, 2019 na naramdaman din sa Cagayan de Oro City at Misamis Oriental.

“We have to transfer to Xavier University only last week. Even in Cebu, also we have to increase the payment of our rentals. Rest assured that we will always perform our mandate and we will assure you that justice will be felt by our people,” ayon kay Fernando sa committee.

Aniya, umabot sa 3,003 kaso ang naresolbahan ng CA sa loob ng isang taon.

“We have only one case which is three years old. So, wala na pong (there are no more) five years and 10 years,” dagdag ni Fernando.

Sa ilalim ng mandato nito, binibigyan ang CA na resolbahan ang kasong inihain nito sa loob ng 12 buwan. Ernie Reyes