Dagdag-kaalaman, oportunidad sa mga iskolar prayoridad sa panunungkulan ni Tiangco

Dagdag-kaalaman, oportunidad sa mga iskolar prayoridad sa panunungkulan ni Tiangco

October 12, 2022 @ 4:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naglaan ng karagdagang scholarship grants ang lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco para sa mga Navoteños.

Sa ika-100 araw ng panunungkulan ng alkalde, nakapagpamahagi ng 312 tablet computers para sa special education (SPED) students at tatlong buwan na cash allowance P1,500 sa mga benepisyaryo sa mga Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship.

Tumanggap ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng 77 bagong SPED educational aid beneficiaries samantalang ang NavotaAs Scholarship Program ay 24 na karagdagang academic scholars.

“We strongly believe that our city’s continuous progress is anchored in the quality and inclusive education of our people,” ani Tiangco.

Nasa 6,055 Navoteño graduates naman ang nakatanggap ng P500, P1,000 at P1,500 cash incentives kung saan 3,594 ay nagtapos sa elementarya 1,962 sa senior high school at 499 ang nakapagtapos sa Navotas Polytechnic College (NPC).

Libreng pag-aaral sa kolehiyo naman para sa 2,838 NPC students ang nakapag-aral ng walang bayarin.

Samantala, 815 preschool children ang nakapagtapos sa pamamagitan ng early childhood care and development (ECCD), centers at Kindergarten on Wheels program.

Sinimulan din ng lungsod ang konstruksyon ng 4-storey school buildings na may 64 classrooms at 7 sa public elementary at high schools.

“Education programs were severely affected by the pandemic and the long community quarantine. To make up for lost time and opportunities, we are working doubly hard to bring to Navoteños the best kind of education there is,” dagdag ng alkalde.

Nagtamo din ng 42 na lisensyadong mga guro mula sa NPC ang lungsod. R.A Marquez