Dagdag LCP Modular hospital bubuksan sa Nobyembre

Dagdag LCP Modular hospital bubuksan sa Nobyembre

October 18, 2020 @ 2:34 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Bubuksan na ngayong darating na buwan ng Nobyembre ang karagdagang LCP Modular Hospital para sa moderate at severe  Covid-19 cases .

Inanunsyo ni DPWH Secretary Mark Villar na ang konstruksyon ng  modular hospital sa loob ng Lung Center of the Philippines ay minamadali na upang madagdagan ang hos[ital. bed capacity  para sa  moderate at severe cases ng Covid-19.

Una nang sinabi ni Villar na ang karagdagang  modular hospital na ipinatutupad sa LCP ay naglalayong makumpleto  ngayong Nobyembre.

“Our goal to complete a fully-functional hospital facility, capable of accommodating severe cases of the virus, by early November,” dagdag pa ng kalihim.

Sinabi naman ni Usec Emil k. Sadain , head ng DPWH task Force to facilitate Augmentation pf Local and National Health  facilities na saklaw ng konstruksyon ang 8 kuwarto na may dalawang kama o kabuuang 16 na karagdagang bed capacity.

“The additional 16-bed capacity offsite modular hospital will hopefully bring relief to LCP which ois already overwhelmed with moderate to severe Covid-19 cases” sinabi pa ni Sadain.
Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •  

Loading...