Dagdag na P10M ibinigay ng Kamara sa Turkey quake victims

Dagdag na P10M ibinigay ng Kamara sa Turkey quake victims

February 15, 2023 @ 5:46 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagbigay pa ng karagdagang P10 milyon na humanitarian aid ang Kamara para sa libo-libong biktima ng lindol sa Turkey.

Ang donasyon na boluntaryong kinuha mula sa Kontribusyon ng mga miyembro ng House of Representatives ay sa pamamagitan ng
Philippine Red Cross (PRC).

Dagdag sa naunang USD100,000 o nasa P5.5 millyon na donasyon na ibinigay ng Kamara sa pamamagitan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Speaker’s Disaster Relief and Rehabilitation Initiative, na nai-turn over kay Turkish Ambassador to the Philippines Niyazi Evren Akyol nitong Lunes, Pebrero 13.

Si dating senador at ngayon ay PRC chair, at executive officer Richard Gordon ang tumanggap ng donasyon ng Kamara para sa mga biktima ng lindol.

“On this day of love and compassion, we show our love and appreciation to the people of Turkey who helped us, together with friends and other allies, when we needed it most. We understand and feel what they are going through, and we are praying for them,” ani Romualdez.

Nagpasalamat naman si Ambassador Akyol sa tulong na ibinigay ng bansa.

“In an event like this, it’s very good to know you have your friends on your side,” aniya. RNT/JGC