18 plebisito sa bansa tututukan ng Comelec

August 18, 2022 @3:50 PM
Views:
4
MANILA, Philippines – Isinasaalang-alang ng Commission on Elections (Comelec) na tapusin ang pagsasagawa ng lahat ng 18 plebisito sa buong bansa sa Enero o Pebrero sa 2023, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia.
Ayon kay Garcia, patuloy ang paghahanda ng poll body para sa barangay at sangguniang kabataan elections ngayong taon kaya maisasakatuparan ang 18 plebisito sa Enero o Pebrero 2023.
Sinabi ng Comelec na ang pag-imprenta ng election paraphernalias ay nagsimula na noong Agosto 2 para sa sumusunod na plebisito:
– Ratipikasyon ng paglikha ng barangay New Canaan sa labas ng Barangay Pag-asa sa Alabel, Sarangani noong Agosto 20, 2022
– Ratipikasyon ng conversion ng munisipyon ng Calaca sa Batangas sa isang bahaging lungsod sa Setyembre 3, 2022
– Pagpapatibay ng paghahati ng lalawigan ng Maguindanao sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur sa Setyembre 17.
– Ratipikasyon ng pagsasanib ng 28 barangays sa mga barangay at isang natitirang barangay sa Ormoc City sa Oktubre 8.
Bagamat sinabi ni Garcia na madali ang pagsasagawa ng plebisito dahil isusulat lamang ang “yes” o “no” subalit nagpahayag ito ng pag-aalala sa posibleng tension na mangyayari sa nasabing proseso.
Sinabi ni Garcia na pinakikilos ng Comelec ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Department of Education para matiyak ang ligtas at mapayapang pagsasagawa ng mga plebisito. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Hontiveros kay Marcos: Magluklok ng ‘competent, full time’ DA chief

August 18, 2022 @3:37 PM
Views:
5
MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Risa Hontiveros si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ikonsidera ang pagtatalag ng maaasahan at full time na kalihim sa Department of Agriculture.
Ito ay para na rin matugunan umano ng mas maayos ang nararanasang krisis sa pagkain at malinis rin ang mga kontrobersiyang kinakaharap ng kagawaran.
“This fiasco with the SRA (Sugar Regulatory Administration) is just the tip of the iceberg when it comes to the chaotic organization and operation of the DA. The President should reconsider his position and appoint a competent person who would take charge of the DA, end all controversies in the department, and focus on helping farmers and ensuring adequate food supply in the country,” pahayag ni Hontiveros.
“Kapag tumaas ang presyo ng asukal, magmamahal din ang presyo ng maraming produkto at bilihin. Sobrang pahirap na iyan sa mamamayan. Hindi pwedeng part-time job ang pagtutok sa krisis na ito. Kailangan natin ng magaling at maayos na Secretary sa DA na full-time na tutulong sa mga magsasaka at konsumer,” dagdag pa niya.
Pagdidiin rin ni Hontiveros, nagdudulot lamang umano ng kalituhan ang pag-upo ng Pangulo bilang kalihim ng Department of Agriculture.
Matatandaan na nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na siya muna ang uupo bilang kalihim ng Department of Agriculture sa pagsisimula ng kanyang termino. RNT
Grade 1 pupil nahulog mula sa 4th floor ng eskuwelahan sa Navotas

August 18, 2022 @3:28 PM
Views:
11
MANILA, Philippines – Aksidenteng nahulog mula sa ika-apat na palapag ng isang paaralan ang Grade 1 pupil na batang lalaki Miyerkules ng hapon sa Navotas City.
Kaagad na isinugod ng security guard at utility personnel ng San Rafael Village Elementary School sa Tondo Medical Hospital ang 7-taong gulang na batang lalaki na sa kasalukuyan ay nakaratay pa sa naturang pagamutan matapos isailalim sa pagsusuri ng mga doktor.
Sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Navotas Police Women and Children’s Protection Deks (WCPD), nasa ika-apat na palapag ng naturang paaralan sa Brgy. San Rafael ang bata nang makita na lamang ng utility personnel na si Rommel Ballad na aksidenteng nahulog dakong alas-2:30 ng hapon.
Inatasan naman ni Ginoong Michael Daco, principal ng naturang paaralan ang school teacher na si Ethenel Jaime na alalayan ang mga magulang ng bata na kaagad ding nagtungo sa pagamutan upang alamin ang kondisyon ng kanilang anak.
Hindi naman nakalagay sa ulat ng pulisya kung naglalaro o may kasama pang ibang bata ang biktima sa ika-apat na palapag nang mangyari ang aksidente. Boysan Buenaventura
Listahan ng mga kalsadang sakop ng number coding scheme inilabas ng MMDA

August 18, 2022 @3:23 PM
Views:
16
MANILA, Philippines – Inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kalsada na sakop ng ipinapatupad na number coding scheme.
Batay sa “Unified Vehicular Volume Reduction Program” ng MMDA, simula alas-7 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi ay ipatutupad ito sa lahat ng major thoroughfares habang ang mga secondary roads naman ay ang kanya-kanyang local government units ang may hurisdiksyon kung anong number coding scheme ang kanilang ipatutupad.
Nabatid sa MMDA na ang lahat ng sakop ng circumferential at radial roads sa Metro Manila ay “no window hour policy”.
Kabilang sa mga radial roads ay ang Roxs Boulevard mula C.M. Recto Ave. hanggang MIA Road; Taft Avenue mula Lawton hanggang Redemptorist; Pres. Osmeña Hughway mula Pres. Uirino Ave. hanggang Nichols Interchange; Shaw Boulevard mula Ramon Magsaysay Blvd. hanggang Pasig Blvd.; Ortigas Avenue mula Santolan hanggang Imelda Avenue; Aurora Blvd / Magsaysay Blvd mula Legarda / Ramon Magsaysay hanggang C5 Katipunan; España, Quezon Ave. at Commonwealth Ave. mula Carlos Palanca hanggang Quezon Ave. hanggang Commonwealth Ave. hanggang Mindanano Ave.; A. Bonifacio Ave. mula Blumentritt hanggang EDSA Balintawak; Rizal Ave. mula Carriedo hanggang Monumento, Caloocab City; at Northern Coastal mula Recto hanggang C-4.
Sa circumferential roads naman ay kabilang ang C.M. Recto Ave. mula Roxas Blvd. hanggang Legarda; A.H. Lacson Ave., Pres. Quirino Ave. mula Roxas Blvd. hanggang R-10; G. Araneta Ave., Sgt. Rivera mula N. Domingo to R-10; EDSA mula R-10 hanggang Macapagal Blvd.; at Pres. C.P. Garcia Avenue mula Commonwealth Ave. hanggang South SuperHighway.
Bukod sa mga nabanggit ay may ilan pang pangunahing lansangan ang kabilang sa number coding scheme kung saan kabilang na dito ang A. Mabini St. mula Samson Road hanggang C-3; Alabang Zapote Road mula Alabang hanggang Real St. Quirino Ave.; Mc Arthur Highway mula Monumento Circle hanggang Valenzuela/Meycauyan Boundary; Marcos Highway mula Katipunan hanggang Sumulong Highway; Las Piñas City; Mandaluyong City; at Makati City. JAY Reyes
PH kinikilalang ESports capital ng mundo – Gutierrez

August 18, 2022 @3:13 PM
Views:
25