Dagdag na police security sa local execs, tinabla ni Albayalde

Dagdag na police security sa local execs, tinabla ni Albayalde

July 8, 2018 @ 4:01 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Tinabla ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde ang panawagang magbigay ng karagdagang police security sa mga mayor at vice mayor sa bansa.
Ginawa ni Albayalde ang pahayag sa gitna ng sunod-sunod na pagpatay sa mga local executives, ang pinakahuli ay si Trece Martires City, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan.
Ayon kay Albayalde, patuloy ang masusing pagsisiyasat na isinasagawa ng PNP sa mga nasabing insidente.
“We are still investigating the incident as to the motive of the killings of local officials. There are many angles that police are investigating in the recent killings like political motive, drugs and other angles,” sabi ni Albayalde sa turn-over ceremony ng bagong regional director ng Police Regional Office 5 (PRO 5) sa Camp Gen. Simeon Ola.
“We don’t need to be afraid or worry of as these were all not systematic and patterned,” dagdag niya.
Ani Albayalde, karaniwang nagbibigay ang PNP ng hanggang dalawang police personnel sa mayors at vice mayors at kung sosobra ito dito ay magkukulang naman ng tauhan ang police force.
Iginiit ni Albayalde sa local officials na kumuha na lamang ng dagdag na personnel mula sa security agencies kung pakiramdam nila’y nasa panganib ang kanilang buhay.
Aniya, maaari namang makipag-coordinate ang mga alkalde at bise-alkalde  sa local police para mabigyan sila ng dagdag na security sa gagawing pagbisita o gatherings sa mga ipinapalagay nilang kritikal na lugar. Nats Taboy