Dagdag na school buildings, itatayo sa Navotas!

Dagdag na school buildings, itatayo sa Navotas!

October 28, 2022 @ 1:32 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang groundbreaking ng dalawang public school buildings sa Navotas.

Magkakaroon ang Tanza Elementary School ng bagong four-storey building na may 12 classrooms habang ang North Bay Boulevard Elementary School naman ay may 20 classrooms.

“We want to ensure the availability of enough classrooms to accommodate Navoteño students now that in-person classes in most of our public schools are already in full swing,” ani Mayor Tiangco.

“We hope to give our students the opportunity to enjoy their time in school following years of being cooped up at home by providing them a comfortable and conducive environment for learning,” dagdag ng alkalde.

Samantala, sinimulan ng Navotas ang konstruksyon ng siyam na gusali na may apat palapag na paaralan ngayong taon.

Ang Navotas National High School, Daanghari, Tangos Elementary School, Kaunlaran High School, San Roque, Dagat-dagatan, at San Rafael Village Elementary Schools ay nakatapos na ng groundbreaking ceremonies.

Noong buwan ng Marso 2021, pinasinayaan ng Navotas ang 11 school buildings na may kabuuang 128 na silid-aralan. R.A Marquez