Dagdag P150 sa arawang sahod, ikinasa sa Senado

Dagdag P150 sa arawang sahod, ikinasa sa Senado

March 14, 2023 @ 6:20 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Naghain ng isang panukalang batas si Senate President Juan Miguel Zubiri na magdadagdag ng halagang P150 sa umiiral na minimum wage sa bansa.

Sa pahayag, sinabi ni Zubiri na layunin ng panukalang Senate Bill No. 2002, o ang Across-the-Board Wage Increase Act of 2023, na itaas sa sahod ng empleado at manggagawa sa pribadong sektor sa lahat ng rehiyon sa halagang P150.00.

“A decent life costs a decent wage. If workers are putting in hours and hours of labor, day after day, and yet are still unable to afford their rent, bills, and basic necessities, then there is a problem, ayon kay Zubiri.

“In the Senate, we addressed the collective bargaining of our employees’ union for increased benefits, in accordance with the rising costs of commodities,” paliwanag ng lider ng Senado.

“And now, with this bill, I hope to answer similar calls from workers across the country, with an across-the-board wage hike.” dagdag niya.

Sinabi ni Zubiri na sakop ng wage hike ang lahat ng manggagawa sa private sector, agricultural at non-agricultural, kahit gaano kalaki ang kapital at bilang ng empleyado.

Sa ngayon, umaabot lamang sa P570 ang pinakamataas na minimum wage sa National Capital Region at pinakamababa sa halagang P316 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

“Though the prescription of minimum wages in the private sector falls under the ambit of the Regional Wages and Productivity Boards, they are constrained to issuing only one wage order per year, unless they declare supervening conditions, paliwanag ng panukala.

Sa pagsisimula ng taon, umabot sa 8.7 percent ang tantos ng inflation sa bansa at 8.6 porsiyento nitong Pebrero.

“While our GDP is going up, we have to make sure that our economic growth actually cascades to our people. Otherwise, we’re just widening the gap between rich and poor, ayon kay Zubiri.

“What we want is to lift everyone up, broaden our middle-income class, and ensure that every Filipino has the means to enjoy a genuinely decent life. That means empowering people not just to survive, but to actually achieve a level of comfort that allows them to pursue their personal goals and interests, beyond just their work,” giit ng lider ng Senado. Ernie Reyes