Dagdag-P46B pondo kailangan sa P1K social pension ng seniors-DBM

Dagdag-P46B pondo kailangan sa P1K social pension ng seniors-DBM

November 9, 2022 @ 7:38 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kailangan ng dagdag na P46 bilyon pondo ang pagbibigay ng universal social pension para sa 7.9 milyong senior citizen sa bansa, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Inilahad ito ni DBM official Nihal Abdulrauf kasunod ng panukalang pagbibigay ng P1,000 buwanang social pension sa lahat ng senior citizen, at hindi lamang sa mga indigent o lubos na nangangailangan.

Base sa 2015 census, aabot sa 7.9 milyon ang 60 anyos pataas sa Pilipinas, kung saan nasa 3.8 milyon dito ang indigent.

“If all of them will be covered by the social pension, our technical bureau’s estimated budget requirement is P92 billion,” ani Abdulrauf sa mga mambabatas sa ginanap na public hearing na pinangunahan ng House senior citizens panel.

“The cost now is at P46 billion. In order to make it universal, we just multiplied P46 billion twice, that is why it is P92 billion,” aniya pa.

Bukod sa P92 bilyon, sinabi ng opisyal ng DBM na 1.8% ng halaga ang kakailanganin para sa administrative cost ng pagpapatupad ng programa.

“We do believe, citing the number DBM said, that the additional P46 billion required by this measure is very much worthwhile. As I have said in my explanatory note, a lot of heads of households, who still take care of their dependents, are 60 years old and they are also the ones impacted by the COVID-19 pandemic,” giit naman ni Representative Mikaela Suansing ng Nueva Ecija, isa sa mga may-akda ng nasabing panukala.

“That is why this measure is very much needed at this time. We need to allocate more resources for our beloved senior citizens,” dagdag pa ng solon.

Batay sa talaan ng Department of Social Welfare and Development na isinumite sa House panel, apat na milyon na ang bilang ng indigent senior citizens na sakop ng P1,000 monthly social pension, habang nasa 500,000 ang waitlisted at inaasahang maituturing na eligible. RNT