Dagdag-pasahe hirit ng provincial bus

Dagdag-pasahe hirit ng provincial bus

June 15, 2022 @ 7:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Taas-pasahe!

Ito ang sigaw ng mga grupo ng provincial bus sa gitna ng walang humpay na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

Sa katunayan, ngayong Miyerkoles ay nakatakdang maghain ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines ng dagdag na P0.30 hanggang P0.35 pasahe kada kilometro.

Matatandaan na 2018 pa nang huling magtaas ng pasahe ang mga bus sa minimum fare nito na P1 sa unang 4 kilometro.

“Kailangan na itong gawin para makaagapay sa mahal na petrolyo at pansweldo sa mga tauhan ngayong tumaas na ang minimum wage,” ani PBOAP President Alex Yague.

Para sa Department of Transportation, kung maaari sana ay wala munang taas-pasahe dahil ang pinagbigyang P1 dagdag sa minimum fare sa dyip ay dumaan na sa butas ng karayom bago aprubahan.

“Kaya nga noong ayoko naman magtaas ng pamasahe. Lately pumayag na ako sa P1at nakatulong naman sa operator nakatulong sa jeepney driver at hindi umaray ang mga mananakay,” ani Transportation Secretary Arthur Tugade.

“Everything is possible let us not just concentrate on possibilities at this time when you evaluate the possiblity you have to inject the potential reality that is the economy. Kailangan balansehin ‘yun. Let’s discuss that (bus fare hike) when it comes,” dagdag pa ni Tugade. RNT