NO CONTACT APPREHENSION AT LABAN SA KAGUTUMAN

MAGAGANDANG pangyayari ang nagaganap ukol sa no contact apprehension policy (NCAP) ng ilang Local Government Unit at Land Transportation Office at ang posibleng pagpospon ng halalang pam-Barangay Council at Sangguniang Kabataan.
Umaaksyon na ang Supreme Court sa petition laban sa NCAP na isinampa ng mga organisasyon ng mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan.
Sa Kamara naman, pinaburan na ng nakararaming kongresman ang panukalang ipospon ang halalang B/SK.
GUTOM AT LIMPAK-LIMPAK NA KITA
Aminin man o hindi ng mga LGU, limpak-limpak na salapi ang kanilang kinikita sa pagpapatupad ng NCAP.
Napakamamahal ang mga multa na iba-iba ang halaga dahil depende sa ordinansang pinaiiral ng mga LGU ngunit sinasabing namang wala sa LTO kundi nadaragdagan lang ng trabaho bilang tagasingil.
Mula sa halagang P300 hanggang sa P2,500 sa bawat umanoây paglabag, pwera pa ang pangangatwiran ng mga tsuper na inililistang âdisobedience to authorityâ ng mga traffic enforcer, paldong-paldo ang bulsa ng mga LGU.
Libo-libo bawat araw ang hinuhuli at pinagbabayad na âviolatorâ na wala ni anomang karapatang magreklamo.
Dahil dito, sa halip na may maiuwi ang mga tsuper na pambili ng pagkain at iba pang pangangailangan para sa kanilang sarili at pamilya, kinakayod lahat ng mga LGU ang kanilang mga kita.
Kulapulan pa ng napakamamahal na gasolina at krudo, gutom ang ibinibunga ng NCAP.
PINASASAGOT SILA
Kabilang sa mga nagsampa ng reklamo laban sa NCAP ang mga kasapi ng Pasang Masda, Kapit, Altodap, Acto at idinawit ang mga LGU na nagpapairal nito gaya ng Maynila, Valenzuela, Quezon City, Paranaque at Muntinlupa.
Pinatitigil na rin ang NCAP sa pamamagitan ng Temporary Restraining Order ngunit hindi naglabas kaagad ang SC at sa halip, binigyan ang mga LGU ng pagkakataon muna na sumagoot, kasama na maging ang LTO.
Mabuting sa hukuman isinampa ang reklamo sa halip na daanin ito sa mga rally at marahas na paraan sa mga lansangan, gaya ng ginagawa ng iba na wala na yatang ginawa kundi daanin lahat sa magulong paraan.
Inaasahan naman nating magiging patas ang Hukuman at mabibigyan ang magkabilang panig ng makatarungang desisyon.
GUTOM DAPAT MAPAWI
Para sa ating Uzi, mga Bro, nakatatakot na mauwi sa gutom ng libo-libong tao o milyong mamamayan ang malaking pinagkakakitaan ng pamahalaan.
Totoong makapipigil sa korapsyon sa lansangan ang NCAP, subalit sa laki ng mga multa na umaabot sa P50,000 hanggang P100,000 sa loob ng isang buwan para lang sa isang tsuper o operator, gutom at matinding paghihirap tiyak ang kahulugan niyan.
Inilalarawan din ang problema ng kawalan ng disiplina o kaignorantehan ng maraming tsuper sa mga batas sa lansangan.
Pero maraming pagkakataon namang depektibo ang mga traffic light o kayaây magulo ang takbo ng mga sasakyan dahil sa hindi maayos na sistema ng transportasyon sa mga nasabing lungsod.
Siguro, magandang tandaan ang kasabihan noon ni nasirang Pangulong Ramon Magsaysay na âhindi baleng malugi ang gobyerno, huwag lang magutom ang tao.â
GATCHALIAN TO PARENTS : HAVE YOUR CHILDREN VAXXED

VALENZUELA Mayor Wes Gatchalian is urging the parents in the city to have their children be inoculated to fully ensure their protection against COVID-19 in time for the opening of the face-to-face classes.
âThis Covid-19 pandemic continues to threaten the safety of our teachers and students in the city, that is why I am urging the parents to vaccinate their children against the deadly disease prior to the opening of the in-person classes.”
âThe local government continues to extend its effort in controlling and totally eliminating the threat by continuously reminding everyone, especially the parents of the students to always observe safety protocols,â he added.
Itâs not just the opening of classes that we should prepare for, we should also prepare our own health, so for the mothers here who have children who are not yet vaccinated with a booster shot against Covid-19, I hope you take this opportunity to get them vaccinated before the classes even begin, he said.
âLet us not take our health for granted.”
Meanwhile, Gatchalian said the city government has initiated the distribution of free school kits for 17, 672 elementary and kindergarten students in time for the opening of classes.
Each school kit consists of a backpack containing work texts, notebooks, pens, pencils and other school supplies.
Joining the mayor, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja and Rep. Rex Gatchalian during the distribution of school kits were Valenzuela City – Schools Division Superintendent Dr. Meliton Zurbano, Councilors Mickey Pineda, Niña Lopez, Louie Nolasco,Chiqui Carreon and Sel Sabino-Sy and other barangay officials.
The Education 360 Degrees Investment Program Action Officer, Natividad-Borja, was hopeful the distributed school supplies will somehow help to the budget of the parents in preparation for the opening of classes.
The local officials said the city government  will continue pursuing different projects that are congruent with the Education 360 Degrees Investment Program, projects that will enhance the quality of education that the city provides.
âThe city government believes that education is the basic foundation of the current and future generations to create and sustain an even more developed and progressive Valenzuela City,â they said.
SAFETY PROTOCOL, PRAYORIDAD SA FACE-TO- FACE CLASSES

SA November 2, 2022, nakatakdang magsimula ang mandatory face-to-face classes ayon sa utos ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio.
Mainam ito kasi alam naman nating mas epektibo ang pag-aaral sa aktuwal kaysa ON-LINE. Kung hindi tayo inatake ng pandemya, nailigtas din sana natin ang ilang mga magulang sa âkumunoyâ ng mga module, he-he-he.
Maliban sa pagpapatupad ng health protocol, maisip din sana ng mga opisyal ng eskuwelahan ang safety protocol na dapat ipatupad sa pagbubukas ng klase sa August 22, 2022.
Magkaroon sana ng komprehensibong pamantayan sa loob ng eskwelahan upang makaligtas ang mga estudyante hindi lamang sa sakit na COVID-19 kundi pati na rin sa aksidente.
Mas makabubuti kung may sapat na bilang ng safety officer na magmomonitor ng safety and health program na ipatutupad ng principal, guro, staff, personnel at iba pang empleyado ng isang paaralan .
Sa pamamagitan ng safety officer, maaaring mabuo ang isang safety and health committee na magbabalangkas at mag-aapruba ng polisiyang dapat sundin habang nasa loob ng paaralan.
Aba, napakadelikado rin kung walang proteksiyon ang ating mga anak kung sila ay nasa isang laboratoryo. Maaari kasi silang manganib sa ibaât-ibang uri ng kemikal na naroon habang nag-eeksperimento. May asido at nakalalasong materyal ang maaari nilang suungin.
May panganib din ang pagbubuhat ng malalaking bag dahil sa mga lamang libro. Maaari itong maging dahilan ng pananakit ng katawan at pagkakuba ng ating mga estudyante.
Kailangan din silang ingatan mula sa mga sakit na maaaring makuha dahil sa pagkain ng mga street food at kontaminadong inumin.
Makabubuti kung may kinatawan sa komite ang mga magulang upang makapagbigay ng maraming ideya at suhestyon na makatutulong sa safety program ng eskuwelahan.
Kulang ang espayong ito kung iisa-isahin pa natin ang iba ang mga panganib sa face-to-face classes. Bastat ang masasabi natin, mas lalong may pag-asa ang bayan kung laging ligtas ang ating mga mag-aaral.
DROGA, ZERO ANG PUWANG SA CALOOCAN

ANG droga ay malaking balakid sa pag-unlad, tinik sa pag-ikot ng mundo kaya walang bansa ang
hindi kumikilos at nagpupursige para labanan ang salot na problemang ito dahil sinisira ang
pinaka-moral fiber ng lipunan.
Walang pangulo ang âdi nais maging progresibo ang kanyang bansa kayaât masalimuot
man at mahirap resolbahin ang salot na droga, kailangan nilang harapin ito, gumawa ng paraan
para mahinto ang problema.
Katunayan, isa sa prayoridad ng isang presidente na binibigyang-pansin ay ang drug
problem â kung paano ito haharapin, anong mga estratehiya ang gagawin para sa ikatatagumpay
ng kanyang giyera laban sa droga.
Kailangan lamang siguro ng isang pangulo o lider ay mag-isip ng estratehiya at bagong
pamamaraan kung paano masugpo ang drug peddlers at paano matulungan ang mga adik
na naging biktima na ng droga.
Pero isang bagay na dapat tandaan ng ama ng bansa, pababa sa local government unit â
mula gobernador, mayor at kapitan ng barangay ay ang salitang âpolitical willâ na naging sandata ng ilang
naging successful drug fighters.
In fairness, marami tayong bagong mayors na aninag ang pagkakaroon ng
political will â isa rito ay si dating kongresista at nalahal na alkalde ng Caloocan na si Mayor Gonzalo Dale âAlongâ Malapitan.
Sa kanyang pag-upo noong Hulyo 1, ang unang utos niya kay Caloocan City Police chief P/Col. Samuel Mina ay paigtingin ang laban sa droga at zero- tolerance ang droga sa lungsod.
Kaagad naman nagkaroon ng resulta ang pagtatakwil sa droga ng alkalde kung saan magkasunod na nagkaroon ng dalawang lalaking huli at kumpiskayon ng P1.3 milyong  droga na nasundan ng isa pa kung saan may nakumpiskang droga na umaabot sa P3.4 milyon.
Isa pang programang nais isakatuparan ni Malapitan at iyon ay ang Caloocan-based Rehabilitation Program na ipapatupad ni Caloocan Anti-Drug Abuse Office chief Sonny Amoyo.
Kamakailan ay may 253 adik ang âna-transformâ ang buhay matapos isailalim sa
nasabing rehab program na tuloy-tuloy na isusulong ng CADAO bilang bahagi ng laban sa
droga ng administrasyon ni Mayor Along.
Slowly but truly, nagkakaresulta na ang deklerasyong âWalang puwang ang droga at
tulak sa Caloocanâ ni Mayor Along.
NANGANGANIB ANG ESTADO NG SEGURIDAD NG TUBIG NG BANSA SA TAONG 2027

Mabagal ang usad ng polisiya ukol sa usapin ng water management, utilization and conservation dahil sa isyu ng tubig sa bansa ay pinaghahatian ng 39 agencies na nag-uunahan sa pondo at nag-aagawan sa hurisdiksyon.
Sa mga mauunlad na bansa, ang serbisyo ng tubig ay nakaatang sa isang departamento.
Lubha kasing kinakailangan na ng bansa ang Department of Water Resources para sa pagkakaroon ng water security sa bansa lalung-lalo na sa mga high urbanized areas katulad ng Metro Manila na ilang beses na ring nakaranas ng water crisis.
Sa panukala ni Albay congressman Jose Ma. Clemente âJoeyâ Salceda, mahahati sa dalawang hurisdiksyon na lamang ang isyu ng tubig sa bansa, ang pagkakaroon ng Department of Water Resources at pananatili ng NWRB o ng National Water Resources Board.
Ipapasailalim din sa DWR ang RCBO o River Basin Control Office at MBCO o Manila Bay Coordinating Office na nasa pangangasiwa ng DENR o Department of Environment and Natural Resources; ang flood management and sediment units ng DPWH o Department of Public Works and Highways; ang water supply sanitation unit ng DILG o Department of the Interior and Local Government; water quality management section ng EMB o Environmental Management Bureau; LWUA o Local Water Utilities Administration; LLDA o ang Laguna Lake Development Authority; NIA o ang National Irrigation Administration; at ang MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System.
Ang paglikha sa DWR ay naaayon sa planong ârightsizingâ ng Marcos administration o pagsasagawa ng streamlining sa mga gawain at responsibilidad ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Target na maipasa sa kasalukuyang 19th Congress ang paglikha sa DWR dahil sa nanganganib na rin ng estado ng seguridad ng tubig ng bansa. Mismong ang UNDP o United Nations Development Program na ang nagsasabi na kung hindi kikilos ang mga bansa sa kasalukuyan, malaki ang posibilidad ng water crisis sa taong 2027 hanggang 2030.