Dagdag-pondo para sa P500 monthly aid hirit ng DSWD sa DBM, DOF

Dagdag-pondo para sa P500 monthly aid hirit ng DSWD sa DBM, DOF

August 3, 2022 @ 10:42 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Hiniling ng Department of Social Welfare and Development nitong Miyerkules ang karagdagang pondor para sa cash aid program nito, na nakalaan which is upang ibsan ang pinansyal na pangangailangam ng mahihirap na pamilya sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis at bilihin.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez na kinakailangang magdagdag ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) dahil ang naunang inilabas na P10 bilyon ay hindi sapat.

“Yan ang hinihiling din po natin sana sa ating DBM, DOF, sana madagdagan pa yung pondo nang sa ganun maabot yung first tranche and then makapag-proceed na po. Supposed to be nasa second tranche na tayo,” aniya.

Sinabi ng DBM nitong Martes na inaprubahan nito ang release ng P4.1 bilyon para sa ikalawang tranche ng P500 monthly cash aid. Ayon kay Lopez, P6.1 bilyong pondo ang nauna nang inilabas noong Hulyo. RNT/SA