Dagdag-pondo sa infra projects prayoridad sa 19th Congress

Dagdag-pondo sa infra projects prayoridad sa 19th Congress

July 7, 2022 @ 7:14 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni Davao Rep. Paolo Duterte na isusulong nito sa 19th Congress ang dagdag-alokasyon pa sa infrastructure projects upang mas maraming kalsada, ports, airports at tulay ang maitayo na syang magbibigay daan para maging bukas ang bansa sa mga foreign investor.

Ayon kay Duterte dapat tutukan ng bansa ang urbanizaton sa ibat ibang bahagi ng bansa dahil ang maayos na transport network ang daan para mabilis ang pag-unlad ng isang bansa.

“the need to boost the country’s attractiveness to foreign investors require an efficient transport network. As we all well know, these projects will also lead to more quality jobs and new business opportunities that will invigorate the economy and help families rise above poverty,”paliwanag ni Duterte.

“These infrastructure projects that aim to establish a seamless transport network in the country will also help revitalize the tourism industry as it continues to recover from the economic impact of the pandemic”dagdag pa nito.

Sinuportahan ni Duterte ang naging pahayag ni Transport Secretary Jaime Bautista na para maiangat sa global standard ang transport industry ng bansa ay kailangang ituloy ang mga big-ticket infrastructure projects na nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, isa sa dapat na tutukan ay ang pagpapalawak pa ng railway system at modernisasyon ng seaports.

“More needs to be done to achieve the goal of making the Philippine transport industry on par with international standards. Marami pang dapat gawin at makikita naman natin yan sa araw-araw na hinaing ng mga commuters dito pa lang sa Metro Manila. As Secretary Bautista had correctly pointed out, there’s no need to ‘reinvent the wheel’ when it comes to the transport industry. Marami ng nakalatag na transport infrastructure projects na maaring ipagpatuloy ng DOTr. These projects aim not only to ease the daily woes of commuters, but are designed to move goods and services more efficiently to lower costs, especially for food producers,” paliwanag ni Duterte.

Sa ilalim ng Duterte administration ay nasa 11 bagong ports ang naitayo, 114 ang naisaayos at 354 pa ang napalaki kabilang dito ang bagong Cebu International Container Port Project habang naitayo din ang Metro Manila Subway; LRT-1 Cavite Extension; North-South Commuter Railway system; Metro Rail Transit (MRT) projects 4 at 7; Philippine National Railways (PNR) Bicol segment; Mindanao Railway Phase 1; LRT-2 West Extension Project at Subic Clark Railway Project.

Iginiit ni Duterte na ang itatayong mga infrastructure projects ay dapat pinag aralang mabuti upang masiguro na hindi maaksaya ang ilalaang pondo para dito. right here Gail Mendoza