Dagdag pondo sa TUPAD ipinanawagan

Dagdag pondo sa TUPAD ipinanawagan

September 30, 2022 @ 2:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan ang iba’t ibang grupo na dagdagan pa ang pondong ilalaan para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (Tupad) ng Department of Labor and Employment makaraan nagpahiwatig ang Department of Budget and Management ang pagnanais nitong tapyasan ang budget ng ahensya para sa naturang programa.

Sa isang statement, sinabi ng Nagkaisa Labor Coalition at Federation of Free Workers (FFW) at iba pang unyon na higit na kailangan ipatupad ang Tupad lalo na sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Karding.

Pagbabahagi ni Sonny Matula, chairman ng Nagkaisa Labor Coalition at pangulo ng Federation of Free Workers, tinapyasan ng DBM ang proposed budget para sa Tupad program mula sa P36.9 bilyon laan ngayong 2022 ay ginawa itong P25.8 bilyon sa 2023.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay sinuspinde ng DOLE ang Tupad sa ilang lugar dahil sa iregularidad.

Umabot pa sa puntong kinailangan hingin ng ahensya ang tulong ng National Bureau of Investigation upang imbestigahan ang naturang anomalya.

“Tupad should be implemented in a non-partisan way and with the participation of unions or workers’ associations in the localities,” ani Matula. RNT/JGC