Dagdag-presyo sa Auto LPG epektibo bukas – Cleanfuel

Dagdag-presyo sa Auto LPG epektibo bukas – Cleanfuel

April 2, 2022 @ 2:15 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Cleanfuel nitong Sabado na simula bukas ay magtataas ang presyo ng Auto LPG nito.

Ipatutupad bukas, Linggo, alas-12:01 ng madaling araw ang pagtataas ng kompanya sa presyo ng Auto LPG ng P1.80 kada litro, ayon sa pahayag nito sa Facebook.

Hindi pa nagpapalabas ang ibang kompanya ukol sa pagbabago ng presyo ng Auto LPG. RNT/SA