Home OPINION OIL PRICE HIKE AT LIBRENG SERBISYO

OIL PRICE HIKE AT LIBRENG SERBISYO

GRABE ang mga oil price hike ngayon.

Ang diesel lalo na nagtaas ang presyo sa P3.50 kada litro nitong nakaraang linggo, ngayong araw, P4 na.

Pero mas mahal pa rin ang gasolina at kerosene dahil nasa P70 pataas kada litro ang mga ito habang nasa P60 ang diesel simula sa araw na ito.

Ang gasolina, simula noong Enero ngayong taon, nagtaas na ng P13 kada litro habang mahigit P7 ang diesel.

Bale pang-6 nang tuloy-tuloy na oil price hike ang nagaganap.

Ayon sa mga balita, nagbawas ang Saudi Arabia ng isang milyong bariles kada araw na produksyon at naging isang malaking dahilan sa pagtaas ng presyo.

Kaugnay nito, panay rin ang bili ng China ng mga produktong petrolyo para sa pangangailangan nito habang ganito rin ang United States.

At dahil sa laki ng binibili ng China at US na mga langis, nagmahal na rin ang presyo nito na kakambal ng kakapusan ng suplay mula sa aksyon ng Saudi Arabia.

Maswerte nang kaunti ang mga biktima ng kalamidad sa state of calamity areas dahil hindi sila maaapektuhan ng oil price hike.

Pero paglabas nila sa kanilang mga lugar at kailangang magkarga ng mga gasolina at diesel, madadamay na rin sila sa oil price hike.

Ang mga gumagamit ng kerosene at gasoline talaga ang higit na tinatamaan dahil mahal ang mga ito sa diesel.

Paraang noong araw ang pangyayari na mas mahal ng P10 ang gasolina at gaas sa diesel.

Pero meron ding panahon na magkapantay sa presyo ang gasolina at diesel at minsang naging mas mahal ang diesel kaysa gasolina.

MAHAL NA MGA BILIHIN

Sanay na tayo kung tutuusin sa matataas na presyo ng mga produktong petrolyo at tinitiis na lang natin ito dahil 100 porsyento tayong nag-iimport nito.

Pero nagiging mabigat ito dahil sumasabay sa mga pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Nasa P45 kada kilo na ang pinakamababang presyo ng bigas, mahigit P120 ang talong at mahigit P200 ang manok at nasa P350 ang baboy.

Maging ang noodles, sardinas, itlog at iba pa, napakamamahal na rin.

KAPAG NAGKASAKIT

Mabuti na lang at napakarami nang libre na serbisyong pangkalusugan.

Kapag nagkasakit ang senior citizen sa kaiisip ng pagmahal ng presyo ng mga produktong petrolyo at kung isa siyang tsuper ng traysikel o dyipni, andiyan ang Malasakit Center at Super Health Center na bunga ng batas na inakda ni Senator Bong Go at PhilHealth na roon siya libre sa mga bayarin.

Ang mga magulang na may pinag-aaral, libre ang kolehiyo na inaprubahan ni dating Pangulong Digong Duterte.

Isipin na lang natin ang mga benepisyong ito sa gitna ng mga kamalasang nagaganap.

    

 

Previous articleGAGAWIN SA WPS ANO NA NGAYON?
Next article12.1% ng proposed P5.768T budget ipambabayad-utang