Dagdag-presyo sa produktong petrolyo, nagbabadya – industry source

Dagdag-presyo sa produktong petrolyo, nagbabadya – industry source

January 28, 2023 @ 3:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaasagang taas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ikatlong sunod na linggo ng dagdag-presyo ngayong taon.

Batay sa oil trading sa nakalipas na limang araw (January 23 hangga 27), sinabi ng oil industry na nag presyo kada litro ng diesel ay posibleng tumaas ng P0.60 hanggang P0.80.

Samantala, inaasahan namang tataas ang presyo ng gasolina ng P1.20 hanggang P1.40 kada litro.

Sinabi ni Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na magkakaroon ng “more than P1” estimated price adjustment para sa diesel at kerosene at “around P1” hike para sa gasolina.

Binanggit ni Abad ang inaasahang strong global demand para sa langis sa gitna ng muling pagbubukas ng top importer China ng ekonomiya nito at mas mabilis na paglago ng US economy sa ika-apat na quarter ng 2022.

Karaniwang inaanunsyo ng oil companies ang price adjustment tuwing Lunes, na ipinatutupad kada pagsapit ng Martes. RNT/SA