Dagdag-pwersa ng PNP ikinasa sa 10 lugar sa BARMM na nasa ilalim ng Comelec control

Dagdag-pwersa ng PNP ikinasa sa 10 lugar sa BARMM na nasa ilalim ng Comelec control

May 4, 2022 @ 9:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagtalaga ang Philippine National Police (PNP) ng karagdagang mga tauhan sa 10 lugar sa Bangsamoro region na nasa ilalim ng Commission on Election’s (Comelec) control, ayon sa tagapagsalita ng poll body nitong Martes.

“Nag-request na po ang Comelec ng dagdag na pulis diyan. Kaya nag-deploy na po tayo diyan, Ma’am, ng ating police personnel coming from the Special Action Force and Mobile Force Battalion para i-augment po iyong ating local troops doon,” sabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo.

Nauna nang isailalim ng Comelec ang mga bayan ng Buluan, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Mangudadatu, Pandag and Sultan Kudarat in the Province of Maguindanao, the City of Marawi City and the towns of Maguing, Malabang at Tubaran sa Lanao del Sur sa kontrol nito dahil sa panganib ng poll-related violence.

“Maliban po dito sa 10 bayan po na ito, ang ating focus of deployment po talaga [ay] iyong 106 towns and 14 cities na napailalim sa ‘Red’ category po,” ani Fajardo.

Hinihintay pa ng PNP ang Comelec na magdeklara ng mas marami pang lugar sa ilalim ng kontrol nito sa political rivalry at presensya ng mga rebelde.

“Doon po sa mga election areas of concern ay may mga na-upgrade po na category dahil nga po may mga namu-monitor po tayong mga intense political rivalry at presence po ng ‘ika nga ay ilang mga armed groups that requires the upgrading po ng classification,” paglalahad ni Fajardo.

“But we are still waiting for the official declaration po ng Comelec kung ang mga lugar po ba na ito ay mapapalagay din sa areas of concern or lalung-lalo na under Comelec control.”

Matatandaang ipinangako ni Rodrigo Duterte ang malinis at tapat na halalan sa Mayo 9. RNT/SA