Dagdag-sahod, bawas sa trabaho sa mga guro, muling ipinanawagan

Dagdag-sahod, bawas sa trabaho sa mga guro, muling ipinanawagan

October 5, 2022 @ 3:21 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng National Teachers’ Day, muling ipinanawagan ng Alliance of Concerned Teachers – Philippines (ACT) nitong Miyerkules, Oktubre 5 ang pagtataas ng sahod at pagbabawas ng mga gawain at oras ng pagtuturo ng mga guro.

Napapanahon na ayon sa grupo na tugunan ng pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang suliranin ng mga guro.

Isa na rito ang pagtataas ng sahod ng mga guro na nasa Teacher 1 sa Salary Grade (SG) 16 at ang Instructor 1 sa SG 16.

Nanawagan rin ang ACT ng 30,000 minimum salary sa mga guro sa pribadong paaralan at national minimum wage sa SG 1 employees at non-teaching personnel na makabubuhay ng pamilya.

Maliban sa taas-sahod, nanawagan rin ang mga ito na bawasan ang workload o trabaho sa mga guro at limitahan rin ang aktwal na teaching time nila sa apat na oras araw-araw.

Dagdag pa, ipinanawagan rin ang dagdag kompensasyon sa mga guro na magtatrabaho ng higit sa kanilang regular na duty at work schedule, at pagbasura sa 15 days per year limit sa pagbibigay ng service credits.

“The gravity of the current education crisis brought about by decades of state neglect has rendered our teachers more overworked, underpaid and under supported than ever. Measly government spending on education has created big shortages in schools, classrooms, facilities, teachers, education support personnel, and teaching and learning resources,” anang ACT sa isang pahayag.

“We will not be able to propel education recovery without resolving the teachers’ problems of overwork, low salaries and lack of government support. We will not be able to negate the impacts of the pandemic on education if the government does not effect bold and game-changing measures that can alter the course of our declining educational system,” dagdag pa ng grupo.

Humihiling rin sila na magbigay ang pamahalaan ng laptop, P1,500 monthly internet allowance at P10,000 annual cash allowance sa bawat guro sa bansa.

Matatandaan na inanunsyo ng Department of Education na magbibigay sila ng P1,000 incentive sa mga public school teachers bilang bahagi ng selebrasyon ng National Teachers’ Month na ginugunit ngayong araw, Oktubre 5. RNT/JGC