Dagdag-sahod hirit ng mga guro sa paglobo ng inflation rate

Dagdag-sahod hirit ng mga guro sa paglobo ng inflation rate

January 5, 2023 @ 6:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sa muling pagsipa ng inflation rate sa bansa, hinikayat ng teachers’ group ang pamahalaan na gawing prayoridad ang salary hike ngayong taon.

“We are practically at the end of our rope, significant salary increase should be the government’s top agenda as the year opens,” ani Alliance of Concerned Teachers (ACT) chairperson Vladimer Quetua.

Sa gitna ng holiday spending, naitala ng Pilipinas ang pinakamataas na inflation mula November 2008 sa paglobo nito sa 8.1% noong December 2022.

Mahigit sa doble ang inilaki nito kumpara sa 3.1% inflation rate noong December 2021.

Sa ulat na ipinalabas ng Philippine Statistics Authority, iniuugnay ang mataas  na inflation nitong December 2022 sa mas mabilis na year-on-year growth rate sa index na food and non-alcoholic beverages sa 10.2%, mula 10.0% noong November 2022.

“The Philippines’ average inflation rate for 2022 stood at 5.8%, higher than the 2021 average inflation rate of 3.9%,” batay sa ulat.

“The last tranche of paltry salary adjustments for government workers will be implemented this year,” pahayag ni Quetua. “The measly salary hike installments in the past four years have failed to cushion the effects of soaring inflation, much less improve our living standards.”

Base pa kay Quetua, makatatanggap lamang ang public school teachers (Teacher I, II and III) ng net take home pay na ₱23,000 hanggang ₱27,000 ngayong taon– malayo sa ₱33,000 family living wage batay sa government data.

“Hindi na talaga namin kakayanin,” giit ng ACT leader. “Mas malalim na pagkakautang, mas maraming sideline, o lipat-trabaho dito man o sa ibang bansa lamang ang mapupuntahan ng mga guro, na lalong magpapabagsak sa kalidad ng edukasyon.”

Inihirit ng grupo na i-certify as urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang wage and salary increase bills na inihain sa Kamara. RNT/SA