Dagdag serbisyo publiko, tuloy-tuloy sa Navotas

Dagdag serbisyo publiko, tuloy-tuloy sa Navotas

October 17, 2022 @ 7:03 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Patuloy ang lokal na pamahalang lungsod ng Navotas na magbibigay ng social services at mga programa sa higit 11,000 Navoteño sa panunungkulan ni Mayor John Rey Tiangco.

Nakatanggap ang 3,321 indibidwal ng tulong pinansyal para sa pangangailangang medikal at 4,424 seniors naman ang nabigyan ng P500 NavoRegalo birthday cash gift samantalang 224 na rehistrading solo parents ang nakakuha ng P2,000 financial assistance sa pamamagitan ng Saya ALL, Angat ALL program.

Nabigay rin ang lungsod ng financial assistance sa 1,933 benepisyaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

May 1,775 pamilya ang nabigyan ng kumpletong halaga para sa second tranche ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).

Nakapagbigay rin ang Navotas ng burial assistance sa 1,022 benepisyaryo habang ang Libreng Libing program ay napipagkaloob sa 46 na namatayan.

“We want to provide Navoteños with utmost care from womb to tomb,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

“Our goal is to ensure that every citizen receives the best services that our city government can deliver,” dagdag ng alkalde. R.A Marquez