Dagdag-singil ng Meralco, panibagong ‘financial burden’ sa mga Pinoy – Bayan Muna

Dagdag-singil ng Meralco, panibagong ‘financial burden’ sa mga Pinoy – Bayan Muna

July 5, 2022 @ 6:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Panibagong dagok na naman sa mga Pilipino ang inaprubahang dagdag-singil sa kuryente ng Meralco.

Ito ang tugon ni dating Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate makaraang pagtibayin ng Korte Suprema ang kautusan noong 2013 ng Energy Regulatory Commission na nagpapahitulot sa naturang electric company na magpatupad ng power rate hike.

Si Zarate ay isa sa mga naghain ng petisyon sa Supreme Court upang palawigin ang temporary restraining order sa P4.15 per kilowatt-hour rate increase ng Meralco.

“With the prices of basic commodities still skyrocketing due to continued big-time oil price hikes and the weakening of the peso, this is another unwanted burden on our people. A financial burden like this, once Meralco imposes this new power rate hike–on top of the already high electricity rates, may already break the Filipino consumers’ backs,” punto ng dating mambabatas.

Sakaling maipatupad ang dagdag-singil sinabi ni Zarate na ito na ang pinakamataas na power rate hike sa kasaysayan ng bansa.

“We still maintain our position that the energy players then gamed the electricity stock market that resulted in the highest rate hike at an additional P4.15 per kWh. Meralco, as a monopoly in its big area of operation, also abused its dominant position to the prejudice of consumers,” dagdag niya.

December 2013 nang payagan ng ERC ang Meralco na magtaas ng P4.15/kWh electricity rates na ipapataw sa loob ng tatlong tranche mula December 2013 hanggang March 2014 kasunod ng maintenance shutdown ng SPEX-Malampaya kung kaya’t napilitan silang bumili ng mas mahal na electricity supply mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Gayunman, hindi naman pumayag ang ERC sa hiling ng Meralco na i-charge sa mga konsyumer pati ang carrying cost.

Sa kabilang banda, sinabi ni Bayan Muna chairperson Neri Colmenares, na isa rin sa mga naghain ng petisyon noong 2013, na maghahain sila ng motion for reconsideration hinggil sa naging desisyon ng SC sa susunod na linggo.

“It seems that Meralco and the Supreme Court are mocking the new administration’s declaration that it wants lower rates. Meralco has grown too big and powerful. As it is, the Meralco monopoly has to be broken so that they cannot control the power rates,” saad ni Colmenares. RNT/ JCM