Dagdag-singil sa jeep tuwing rush hour, ipinanawagan

Dagdag-singil sa jeep tuwing rush hour, ipinanawagan

October 17, 2022 @ 3:09 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinanawagan ng transport group na Pasang Masda nitong Lunes, Oktubre 17 na nais nilang magkaroon ng tinatawag na “surge fee” o dagdag piso sa pamasahe sa jeepney tuwing rush hour.

Ito ay upang matugunan ang hirap na nararanasan ng mga tsuper sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Sa kabila din ng nagdaang taas-presyo sa pamasahe sa pampublikong sasakyan, kulang pa rin ito ayon sa ilang mga driver.

Kaugnay nito, pabor naman ang ilang commuters sa planong ‘surge fee’ bilang tulong na rin sa mga driver at operator ngunit ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), hindi na magkakaroon ng fare increase hanggang matapos ang 2022. RNT/JGC