Dagdag-singil sa kuryente ikakasa ngayong Abril – Meralco

Dagdag-singil sa kuryente ikakasa ngayong Abril – Meralco

April 11, 2022 @ 1:08 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Muling magtataas ang singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Abril, ayon sa kompanya nitong Lunes.

Base sa sa Meralco, P0.54 ang kanilang taas-singil para sa April billing.

Ipinaliwanag nila na katumbas ito ng P107 dagdag para sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kilowatt kada oras (kwh), P161 sa konsumong 300 kwh, P215 sa konsumong 400 kwh, at P268 sa konsumong 500kwh.

Matatandaang nitong Marso ay nagkaroon ng pagtaas sa singil sa kuryente. RNT/SA