Dagdag-singil sa tubig ikakasa ng Maynilad, Manila Water ngayong Enero

Dagdag-singil sa tubig ikakasa ng Maynilad, Manila Water ngayong Enero

January 5, 2023 @ 5:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Madaragdagan ang singil Maynilad at Manila Water sa tubig ngayong Enero.

Aabot sa P8.04 kada cubic meter ang karagdagang bayad sa Manila Water habang P3.29 naman sa Maynilad.

Papalo naman sa P86 hanggang higit P750 ang magiging bayarin ng residential customers ng Manila Water, depende sa konsumo.

Samantala, P130 hanggang halos P1,000 naman umano ang water bill ng mga ordinaryong residential customer ng Maynilad.

Subalit, nagpaalala ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office sa Maynilad hinggil sa water service interruption na nararanasan sa ilang lugar sa Cavite at Metro Manila dahil sa problema sa Putatan water treatment plant.

May kaugnayan din umano ito sa kasunod na water rate hike ng Maynilad sa mga susunod na taon.

“We are studying imposing another financial penalty at ito ay mare-rebate ulit sa publiko lalo na sa affected customers,” pahayag ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty.

Nag-abiso naman ang Maynilad nitong Huwebes na mag-ipon ng tubig sakaling magkaroon ng emergency water interruption dahil sa patuloy na pag-ulan. RNT/SA