Dagdag-singil sa tubig, kasado ngayong Enero

Dagdag-singil sa tubig, kasado ngayong Enero

January 28, 2023 @ 11:34 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaasahang tataas ang singil sa tubig simula ngayong Enero 2023 at magpapatuloy sa susunod na limang taon para mabayaran ang gastos sa pagsasaayos ng serbisyo.

Ayon sa ulat nitong Biyernes, magdaragdag ang Manila Water customers nf P8.04/m3 charge simula ngayong Enero, na patuloy na madaragdagan hanggang umabot ng P20.37 sa 2027.

Nangangahulugan na ang mga kumokonsumo ng 20 cubic meters ay magbabayad ng P425.

Samantala, para sa Maynilad customers, magkakaroon ng dagdag na P3.29/m3 charge simula ngayong Enero hanggang umabot sa P13.69 sa 2027.

Aabot sa P509.11 ang halaga ng 20 cubic meters.

“We need to ensure the reliability of service,” pahayag ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) chief regulator Atty. Patrick Ty.

Makasisingil ng P181 bilyon ang Manila Water mula sa karagdagang charges, habang makakukuha ang Maynilad ng P163 bilyon.

Subalit, makatatanggap ng refund ang mga customer kapag hindi nagampanan ng water concessionaires ang serbisyo nito.

“Ino audit po natin sila at chine-check natin na only those that are prudent expenses can be recovered sa ating water tariff,” pahayag ni Ty. RNT/SA