Dagdag-tax sa sweetened beverages ikasa vs diabetes

Dagdag-tax sa sweetened beverages ikasa vs diabetes

November 25, 2022 @ 9:59 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Isang hakbang para mabawasan ang nagkakasakit ng diabetes sa bansa, isinulong ni Anakalusugan Partylist Rep Ray Florence Reyes na maitaas ang buwis na ipinapataw sa mga inuming may asukal.

Ayon kay Reyes nakababahala na ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na nagkakaroon ng sakit na diabetes at isa sa tinuturong dahilan nito ay ang lifestyle kasama na dito ang pagkain ng mga pagkain na mataas sa sugar content.

Sinabi ni Reyes na upang mapigilan ang pandemic sa sakit na diabetes ay maaaring magtaas ng tax sa mga sweetened beverage tax, aniya, sa ganitong paraan ay maoobliga ang mga manufacturers ng matatamis na inumin na lumikha ng produktong mas mabuti sa kalusugan ng mamamayan.

“Sa pagtaya ng International Diabetes Federation posibleng tumaas ng 85 percent ang mga Pilipinong may sakit na Type 2 diabetes dahil sa sugary drinks kaya ito ang syang una nating tugunan,” paliwanag ni Reyes.

Maliban sa mabigyang solusyun ang diabetes ay target din ng panukala ni Reyes na magkaroon ng dagdag na pondo para sa Universal Health Care.

Ang dagdag na tax na ipapataw sa mga sugary drinks ay maaaring magamit na pondo ng UHC na maaaring maging daan para makapagdagdag ng serbisyo gaya ng optical at dental services. Gail Mendoza