DAGIT (HULING LABAS)

DAGIT (HULING LABAS)

September 23, 2020 @ 8:12 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Naroon na nga at maririnig sa bubong na iyon ang usapan ng malamig na patutunguhan ng kanilang relasyon.

“Hah at ikaw pala kung gayon si Nelia na sinasabi nilang nagpapasasa sa ari ng asawa ko?”

“Oo, Gemma gayon nga, pero hindi ko inaangkin ang asawa mo. Hindi ko siya inaangkin kahit pa natitsismis na nagpapasasa ka sa iba.”

Walang nagawa si Nelia kundi magparaya sa totoong may-ari.

Nagbalik si Nelia sa asawang si Marvin.

“Salamat hon. Nagbalik ka.”

“Oo, Marvin at patawarin mo ako. Hu hu hu hu Paulo anak, narito na si mama.”

Ang tagpong pagkikita ng mag-anak.

“Ipangako mong hindi ka na muling aalis.”

“Oo Marvin hinding-hindi na.”

“Saan ka ba kasi nagpunta?”

Naroon pa rin ba ang pagsisinungaling?

“Nagtatampo ako sa’yo Marvin, kaya naisipan kong pumunta sa dati kong officemate.”

“Pinag-alala mo ako hon hu hu hu. Patawarin mo rin ako.”

Sa pagkakadagit ay nakuhang makabalik ng ginang sa sariling tahanan.

Bumalik ang saya ng kanilang bahay.

Magbabalik na sa trabaho si Nelia.

Kumuha na rin sila ng kamag-anak mismo ni Nelia para maging kasambahay at siyang titingin sa bata.

Napanatag na rin si Marvin dahil nagbalik na ang kanyang asawang si Nelia na narito ngayon sa opisina.

“Hello may I know who’s on the line?”

“I said may I know who’s on the line?” ulit ng ginang.

“Eh, kuwan ho, nagbabakasakali lang.”

“So go speak up, sino ho sila?”

“Ikaw ba si Madam Nelia?”

“Huh L-Logan?!?”

“Ako nga madam.”

“Paano mo nalaman ang number ko?”

“Kay Olan… madam umuwi na sa probinsya ang misis ko.”

“Hah ganoon ba? O, e, ano bakit? Ibig kong sabihin e anong kailangan mo?”

“Eh, ‘wag na kaya madam, nahihiya na ako sa iyo ngayon dahil nasa opisina ka na pala, bye.”

“Hah huwag Logan teka. Uuwi ako ng maaga, pupuntahan kita sa bahay mo, Logan? Logan? Logaaaan?”

Tuluyan ng iniwasan ni Logan si Nelia. Alam niyang ito ang tamang gawin para sa kanilang pamilya.

WAKAS

.


  •  
  •  
  •  

Loading...