DAGIT (IKA-23 LABAS)

DAGIT (IKA-23 LABAS)

September 15, 2020 @ 8:00 PM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

“Hindi naman hoy, pero teka Marvin ano kaya’t pagawa pa tayo ng shelves para sa mga damit ko?”

“Oo pwede naman.”

“Kaya nga, Marvin kung kumuha kaya tayo ng kasambahay para sa baby natin.”

“Hummnpp okey, okey. Eh, kelan mo naman gustong magpagawa ng shelves?”

“Nasa sa’yo ‘yan.”

“O ‘di sige sa susunod na Linggo.”

“Haay thanks hon, e ‘di sasabihan ko na si Olan?”

“Hus, e, si Logan po ang dapat mong tawagan madam. Tubero si Olan e.”

“Eh, si Olan po ang nakaaalam ng lugar ni Logan.”

At nangyari nga ang kagustuhan ng ginang.

Sa araw nga iyon ng trabaho.

“Hayan kompleto na ang mga materyales Logan.”

“Salamat po madam ah, Boss Marvin. Hayaan n’yo at pipilitin kong matapos ito kaagad.”

“Ah, Logan hindi kita minamadali. Ang gusto ko s’yempre e ‘yung magandang trabaho, kaya kahit abutin ng dalawa o ilan pang araw para matapos ‘yan ok lang,” nakangiting tugon ng ginang ni Marvin.

Inumpisahan nga nito ang trabaho pero naroon din si Marvin para tulungan si Logan.

“Alas otso na Marvin. Baka ma-late ka.”

“Hindi na ako papasok muna hon.”

“Ha, bakit?”

“Oh at bakit din parang nagulat ka. Nagpaalam naman ako sa trabaho,” tugon ni Marvin.

“Eh, sige bahala ka. Ang sa akin lang eh, sayang ang isang araw mo, biro mo dalawang libo ang mawawala sa iyo,” tugon ni Nelia na napatingin din kay Logan.

Pero anoman ang nasa isip ng ginang ay hindi na lang ito nag-usisa pa.

“Sige Logan at katulong mo ‘ko. Gusto ko rin naman matuto ng ganyan.”

“Huuu eh ito namang asawa ko. Baka makaabala ka pa kay Logan,” sabad ni Nelia.

“Oh, e ikaw naman Nelia, mabuti nga at inaalam ko ang trabahong ganito.”

“Bahala ka na nga. Baka lalo lang matagalan ang trabaho. Sana si Olan na lang ang kasama ni Logan.”

Hindi na lang kumibo si Nelia.

ITUTULOY


  •  
  •  
  •  

Loading...